Kita Kita (REBYU BLOG) ni: John Efren D. Abad

                                                         


        I.             TUNGKOL SA PELIKULA

Ang pelikulang Kita Kita ay isang pelikulang Pilipino na pinagbibidahan nina Empoy Marquez ( Tonyo) at Alessandra De Rossi (Lea) sa direksiyon ng isang batikang direktor na si Sigrid Andrea Bernardo. Ang pelikulang ito ay isang Romantic Comedy Film. Ito ay ipinalabas noong July 19,2017 at pumatok ito sa takilya kaya sa unang linggo pa lamang ng pagpapalabas nito sa mga sinehan ay kumita ito ng ₱100 milyon at umabot ng mahigit ₱300 million sa ikatlong linggo at nagtala ng pinakamataas na kita sa lahat ng Independent Film(IndieFilm) sa bansa.

      II.            TEMA

Maganda at mahusay ang tema ng pelikulang ito na talaga namang makikita ng mga manonood na pinag-isipang mabuti. Ang tema ay angkop para sa lahat kung saan ipinararating nito na ang lahat ng tao ay nagkakamali ngunit hindi iyon sapat na rason o dahilan upang layuan at iwanan natin sila, bagkus ito dapat ay maging dahilan upang matulungan natin sila dahil lahat ng tao ay may karapatang mabigyan ng pangalawang pagkakataon para maitama at maiayos ang kanilang nagawang pagkakamali . Isa pa  ang kagandahan ay maaaring hindi nakikita ng ating mga mata nguni’t nararamdaman ng kaluluwa ang kabutihang loob.

    III.            KARAKTER AT PAGGANAP

Ang pelikulang Kita Kita ay pinagbibidahan ng kapita-pitagan at komedyanteng aktor at magaling na aktres na si Empoy Marquez na gumanap bilang Tonyo at si  Alessandra De Rossi na gumanap bilang Lea. Hindi matatawaran ang husay ng pagganap nina Alessandra at Empoy napakaganda ng kemistri ng dalawang ito nung sila ay nagtambal sa pelikula. Ang pag-arte o pagganap ni Alessadra bilang Lea ay talagang napakagaling at nagampanan niya ng maayos ang papel bilang isang OFW na nasaktan sa pag-ibig. Ang kanyang pag-arte ay puno ng emosyon at makikita na talagang isinapuso niya ang karakter. Ang pag-arte o pagganap naman ni Empoy Marquez bilang Tonyo ay hindi rin matatawaran dahil napakagaling din niyang naipakita sa mga manonood ang karakter na si Tonyo at talagang madarama ng mga manonood ang emosyong inilalabas nito. Ang mga linya na kanilang binitawan sa pelikula ay tumatak sa maraming manonood.

Nabigyan naman ng dalawang artistang ito ng hustisya ang mga karakter na kanilang ginampanan at naiatang sa kanila. Hindi nila binigo ang mga manonood sa kanilang pag-arte at nahigitan pa nila ang ekspektasyon sa kanila ng mga tao. Kapansin-pansin din ang dedikasyon ng mga aktor at aktres na gumanap dito bukod sa mga bida. Maliit man ang gampanin ng ilang artista, nakatulong pa rin ito upang maiparating ang maayos na mensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari at nasuportahan nila ang takbo ng kwento ng pelikula.

    IV.            ISKRIP

Ang iskrip ay mayroong malaking gampanin na ginampanan sa pelikulang ito at naging malaki itong tulong upang mas maipakita at maging malinaw ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood. Naging makatotohanan ang mga pag-uusap at palitan ng mga linya ng mga aktor at aktres.

Sa pamamagitan ng iskrip, naging organisado ang daloy ng banghay. Mawawalang bahala ang banghay o ang mga pangyayari kung wala ang iskrip na magbibigay buhay sa bawat detalye ng pelikula. Sa pamamagitan din nito ay mas nadama ng mga manonood ang kwento ng pelikula.

      V.            SINEMATOGRAPIYA

Sa simpleng storya at takbo ng pelikula nakita na kung ikukumpara  ito sa henerasyon ngayon, higit na yumaman ang sining ng sine ngayon. Ang mga disenyo ay simple lamang at akmang-akma sa nais ipahiwatig ng storya. Kung kaya mas napagtuunan ng pansin ang pagsulat, pagplano, at pagpapaganda ng storya.

Mapapansing ang kamera ay ginamit at pinagalaw nang maayos simula sa umpisa hanggang sa magwakas ang kwento upang mas mabigyang-diin ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa pelikula. Ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t ibang anggulo at gumamit ng iba’t ibang layo ng kamera sa kinukunan. Malimit na ginagamit ang pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan sa tuwing mayroong matinding mga linyang binibitawan. Sa pamamagitan nito, mas naipakikita ang emosyong namayani sa mga tauhan sa pelikula.

    VI.            MUSIKA

Ang musika at tunog ay naging malaking tulong sa pelikulang ito dahil sa pamamagitan nito ay napalitaw ang kahulugan ng storya at napatingkad ang atmospera at damdamin upang ang bawat eksena ay tunay na madama ng mga manonood. Nakatulong ang musika at tunog sa pagpapadama ng tunay na kalungkutang kalakip ng pelikulang ito.

Ang kantang “Two Less Lonely People” ni KZ Tandingan ay akmang-akma sa pelikula dahil ang mensahe ng kantang ito ay umaangkop para sa storya ng pelikula. Dahil sa pagdaragdag ng mga ganitong musika at tunog, mas naantig ang damdamin ng mga manonood at mas nakita nila ang katotohanan ng bawat emosyong nakikita sa mga tauhan ay nangyari sa totoong buhay.

  VII.            EDITING

Naipamalas sa pelikula ang natural na daloy ng mga pangyayari sa mga nasaksihang eksena, mapapansin ang mahusay at maayos na pagkaka-edit dahil hindi halata ang pagputol ng mga bahagi mula umpisa hanggang sa katapusan ng pelikula. Dahil dito, mas nabigyang-daan ang tunay na nilalaman nito upang makita ng mga manonood.
Ang pag-edit ay talagang nakatulong para matuklasan at tunay na maunawaan ang paksa, banghay, at iba pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng hindi pagsama ng mga bahaging hindi naman ganoon kahalaga, mas madaling naunawaan ang takbo ng storya at mas gumanda ang laman ng pelikula dahil detalyado ang pagpapalabas ng bawat bahagi at walang nakasagabal sa daloy ng pangyayari.

VIII.            KABUUANG DIREKSIYON AT PRODUKSIYON

Sa umpisa pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga pangyayari at hanggang sa matapos ito ay maayos pa din ang takbo ng kwento. Dahil dito, masasabi naging matagumpay ang direksiyon ng pelikulang ito. Kitang-kita ang kontrol ng direktor sa tagpuan, pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o pagdaragdag ng iskrip dito.

Sa kabilang banda, naisakatuparan din naman sa malikhaing paraan ang pook, tagpuan, makeup, kasuotan, at kagamitan na nagpalitaw ng panahon, kapaligiran, at katauhang hinihingi ng realidad ng pelikula. Sa lahat ng ito, masasabing naging matagumpay ang direktor at buong production team sa pag-abot ng tunay nilang layunin.

    IX.            ARAL AT PAGPAPAHALAGA

Tunay ngang maraming aral ang mapupulot sa pelikulang ito gaya na lamang ng Ang pagmamahal ay isang bagay na kayang maghintay, magsakripisyo at mag alay ng sariling buhay. Pinapakita rito na ang pagmamahal ay kailan ma'y di magiging makasarili. Ang pagmamahal ay nararamdaman at hindi nakikita.

      X.            REKOMENDASYON

Inirerekomenda lamang na mas gawing mas
kapana-panabik ang wakas at huwag gumamit ng “predictable” na wakas ng storya dahil kung makabubuo ng kakaibang wakas ay makatutulong ito para mas mapaganda ang pelikula.

Sa kabuuan ay naging maganda naman ang takbo ng pelikula at maayos itong nailahad at naipakita sa mga manonood kaya naman naging patok ito sa maraming Pilipino at maraming mga manonood ang tiyak na nakapulot ng mga aral na nais iparating sa mga manonood ng pelikula na hindi lamang ito para sa mga mag-asawa o sa mga nagmamahalan, kung hindi para

Comments